Ugnayan Ng Wika, Kultura at Lipunan: Identidad at Kasarian (filipino)
Essay by Zomby • June 27, 2011 • Essay • 2,498 Words (10 Pages) • 46,738 Views
Essay Preview: Ugnayan Ng Wika, Kultura at Lipunan: Identidad at Kasarian (filipino)
ISANG PAGTALAKAY SA UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN:
Identidad at Kasarian
Jayson A. Cabahug
III - BS Chemistry
Mr. Schedar Jocson
Filipino 40
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA at LIPUNAN: Identidad at Kasarian
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ito ay maaaring binubuo ng nga simbolo, tunog na pasalita at iba pang uri o mga kilos at galaw na ginagawa ng isang tao upang maipahayag ang kaisipan o ideyang nais iparating sa tao o mga tao. Sinasabing epektibo ang wika kapag mayroong komunikasyong magaganap. Magkakaroon ng komunikasyon kapag ang taong pinagukulan ng wika ay nagkaroon ng pagtugon sa taong pinanggalingan ng ideya, positibo man ito o negatibo. Halimbawa na lamang, may isang lalaking nagtanong sa isang babae, "Anong pangalan mo?" Masasabing epektibo ang wika kapag naiparating ng lalaki ang ninanais niyang tanong at naintindihan ng babae ang kanyang tanong kahit di man niya ito sagutin ng tama o wala talaga siyang tugon ukol sa tanong. Sinasabing di ito epektibo kapag iba ang interpretasyon ng babae sa tanong, o hindi niya naintindihan ang tanong dahil magkaiba ang wikang gamit nila. Epektibo ang wika o komunikasyon kapag nagkaroon ng pagtugon, positibo man o negatibo.
Ang wika ay masasabing mahalagang sangkap na ginagamit ng tao sa ibat ibang uri at antas ng pamumuhay sa isang lipunan. Ginagamit ito sa ibat ibang aspeto ng pamumuhay ng tao tulad ng ekonomiya, relihiyon, edukasyon, at pulitika. Mayroong malaking papel na ginagampanan ang wika sa pagtatag ng lipunan dahil nagsimula ito sa dalawang taong nag-usap. Sa kanilang pag-uusap nagkakaroon ng epektibong komunikasyon, at ang komunikasyong ito ay lumaganap sa mas maraming grupo ng tao. Sa paulit-ulit na pag-uusap, na maaring pasalita, pakilos o pasulat, ay mabubuo ang pagkakaintindihan sa pagitan ng grupo ng mga tao. Dahil sa tinatawag na "common understanding" nabubuo ang lipunan at sa pagpapatuloy ng maganda at epektibong komunikasyon, lalago at uunlad ang lipunan sa lahat ng aspeto nito. Masasabing ang wika ang nagbubuklod sa bawat tao na bumubuo sa isang lipunan.
Ang kultura ay binubuo ng mga nabuong ideolohiya, mga kilos at gawi, ibat ibang paniniwala at ritwal at iba pang mga bagay na may kinalanaman sa etnisidad at identitad ng isang lipunan. Ang kultura ay ang siyang makapagsasabi ng kaibahan ng isang uri ng lipunan sa iba. Ito rin ang maaring magbuklod ng ibat ibang lipunan. Katulad sa pagtatag ng mabisang lipunan, mayroon ding mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pagbuo ng kultura sa isang lipunan. Dahil sa mabisang wika at pagpapatuloy nito, makakabuo ng ibat ibang ideolohiya, paniniwala at mga gawi na pagsasaluhan ng mga tao sa isang lipunan. Sa pag-unlad ng sibilisasyon, nakabuo ang mga tao ng mga lipunan. Ang lipunan ay palaging nagbabago at nahuhubog ng ibat ibang pangyayri, kasaysayan, pulitika, ekonomiya, pagpapahalaga, relihiyon at iba pa. Ang mga bagay na ito at ang bunga ng pagbabago ay ang tinatawag na kultura. Ang kultura naman, sa kabilang banda, ang humuhubog sa ating kaugalian, mga reaksyon at ang ating paningin sa mundo. Upang lumaganap at magpatuloy ang kultura, kailangan itong maipasa mula sa isang tao tungo sa isa. Dito pumapasok ang papel ng wika. Dahil dito, kailangang pagtuunan ng pansin ang mga kahulugan ng mga salita, mga pinanggalingan nito at mga palatandaan ng pinagsasaluhang kultura. Hindi maaring umiral ang kultura nang hindi napapasa at ang pagpapasa nito ay nangangailangan ng wika. Dahil sa relasyong ng dalawa, nakakaapekto sila sa isat isa at sa kung anong impormasyonang naipapasa at nakaaapekto sa iba pang aspeto tulad ng sining, pulitika, ekonomiya, teknolohiya at pagdedesisyon. Ang bawat karanasan at kaisipang nasaksihan, maaaring nakita, narinig, naisip, naramdaman, o pinagtalunan ay mayroong salitang maaring magpahayag sa nasabing kaisipan.
Ang wika ay nagsasalamin sa kung paano pinoproseso ng isang tao ang mga impormasyong natatanggap at tumutulong sa pagbuo ng ideya dahil sa dala nilang kultura. Halimbawa, ang mga Pilipino ay may ibat salitang naglalarawan sa ibat ibang yugto ng produksyon ng bigas tulad ng "palay", "bigas" at "kanin." Sa wikang Ingles, isa lamang ang salitang naglalarawan sa lahat ng yugto nito at ang ilang salita ay mahirap isalin tungo sa wikang Ingles. Sa halimbawang ito, mapagtatanto ang kahalagahan ng bigas sa kulturang Pilipino dahil sa paggamit ng ibat ibang terminolohiya.
Ang identidad ng isang tao at ng kanyang lipunan ay itinatakda ng ating wika. Ang pinili nating wikang gagamitin ay nagsasalamin ng hindi lamang kung paano natin nakikita ang ating mga sarili, kundi pati na rin kung paano rin natin nakikita ang ating lipunan. Ang identidad ng isang indibidwal ay nasasalamin sa ibat ibang identidad na nabuo dahil sa wika tulad ng etnisidad, kasarian at iba pa. Ang mga identidad na ito ay siya namang umungos dahil sa lipunan sa pamamgitan ng wikang pinili nilang gamitin upang ilarawan ang mga ito. Sa karagdagan, kapag mayroong ibang kultura ang numiimpluwensya sa ibang kultura, nagkakaroon ng kaguluhan at minsan nagkakaroon ng paghahalo ng mga ideya. Halimbawa, ang Indonesia ay naimpluwensyahan ng kultura ng India sa loob ng ilang daang taon. Dahil dito, ilan sa mga kulturang Hinduismo at Buddhismo ay naghalo at nakapagdulot ng kakaibang Hinduismo. Minsan naman, nagkakaroon ng tinatawag na "cultural imperialism." Ito ay nagaganap kapag ang isang kultura ay nagnanais na mapalitan ang isa pang kultura na sapilitan. Ang sapilitang pagbabago na ito ay maaring paghahanda sa pagsakop o kolonyalismo o kaya naman resulta ng pananakop.
May pagkakaiba ang "cultural imperialism" sa "cultural sphere of influence." Ito naman ay nangyayari kapag ang isang kultura ay naisulong at tinanggap ng isa pang kultura nang may kalayaan at walang pagpipilit.Halimbawa, ang relihiyon ay maaring isiping imperyalismo o impluwensya. Sa mga unang yugto ng kasyasayan ng Kristiyanismo, ay isang nakalulungkot na halimbawa ng kultural na imperyalismo dahil ang pagpapakilala nito ay sapilitan sa mga katutubong Pilipino na sa kalaunan ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino.
Ang impluwensya ng ibang kultura sa ating kultura ay sadyang makapagbabago sa ating identidad bilang isang lipunan. Sa pagbabagong ito, maapektuhan din ang ating wika na isa sa mga naglalarawan ng ating identidad. Para sa mga conservative, ito ay hindi magandang bagay dahil hindi napananatili ang ating identidad bilang mga Pilipino. Pero kung iisipin, may mga magandang naidudulot pa rin naman ang
...
...